Si Diether Ocampo o Diet ay isang sikat na aktor noong 90’s at early 2000. Bukod sa kanyang gwapong mukha ay masasabi nating magaling siya pag dating aa aktingan, mapadrama, comedy, horror ay kayang kaya niya itong gampanan. Isa si Claudine Baretto at Kristine Hermosa sa kanyang mg naging kalove team.

Ngunit nasan na ba si Diet? Bakit naging mailap na sya ngayon sa showboz career niya?

May katanungang nabuo sa isip ng ilang netizens na kung pagaari nga ba ni Diet ang maraming kabayong nasa North Polo Club, Pulilan Bulacan?

Makikita sa ialng post ni Diet sa kanyang social media na makikitang nagpapakain siya ng mga kabayo. At base sa komento ng followers niya, pinupuri ang actor dahil hands on siya sa pag-aalaga sa mga kabayo.

Ang ilang video niya ay may kalakip na caption na “Buhay Pulilan Bulacan.”

 

View this post on Instagram

 

North Polo Club

A post shared by DietherOcampo (@diether.awb) on

Noong nakaraang post ni Diet sa kanyang social media, makikitang nakasakay si Diet sa kotse at isa isang binabati ang labing walong magkakahelerang mga kabayo na may kanya kanyang mga kuwadra at pinakita pa sa video ang ibang kuwadra na may tinatayang 100 ang kabuoang bilang.

Nadaanan din ni Diether  ang mga nakatira sa hacienda at isa-isa niyang binati ang mga ito at saka naglibot pa.

Kung totoo ngang kanya ang mga ito at ang napakalaking hacienda, ay sa wakas natupad na niya ang kanyang pangarap na kung matatandaan na sinabi ng aktor noong siya ay aktibo pa sa showbiz. Mula noon ay pangarap na ni Diet ang pagkakaroon ng malaking lupain na kung saan ay maaari siyang magalaga ng maraming hayop.

May mga post din si Diet na makikitang nakasakay siya sa kabayo at ng gogolf at hindi din nawala ang nagpapalipad siya ng eroplano. Ibig sabihin bang sabihin nito ay licensed pilot na si Diet?  Isa lang ito sa pinagkakaabalahan niya kaya hindi na siya bumalik pa sa showbiz.

Bukod dito ay may post din siyang namahagi siya ng tulong na ang caption ng food packs, “there could be no greater charity than that of helping without expecting any benefit in return.”

Ngunit, sa kantang mga post ay walang makikitang may kasamang babae o karelasyon? O baka naman ay isinasantabi lamang niya ito at ayaw isapubliko?

Matatandaang noong 2004 ay ikinasal siya sa kanyang nobyang si Kristine Hermosa ngunit matapos ang 2 taong pagsasama ay naghiwalay din sila.

The post Ang buhay ng Hacienderong si Diether Ocampo, May bagong asawa na nga ba? appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH