Ang pagiging SEAMAN ay isang trabaho nahindi madali gaya ng inaakala ng nakakarami sa atin. Masungit na amo, napakahirap na trabaho, putol putol na tulog o konting oras na tulog, Maalon, at kung ano ano pa. Idagdag pa natin jan ang homesick at matinding pagkamiss sa ating mga mahal sa buhay.

Kung kaya naman madami sa mga seaman, lalong-lalo na sa mga kabataan na may kasintahan ay nabibilang sa tinatawag na “Long Distance Relationship” o LDR.

Kaya para sa dalawang magkasintahan. Tiwala at pagtitiis ang pinaka importante upang makasurvive at tumibay ang kanilang relasyon. Kaya ang pagtitiis ng isang seaman ay hindi talaga madali.

Ngunit may isang seaman ang nagpostsa kanyang social media tungkol sa kanyang pagkadismaya at sakit n nararamdaman patungkol sa kanyang dating kasintagan.

Sa facebook post ni Kien Morales Cartagena, ibinayagi niyanang screenshot ng kanilang usapan ng dati niyang kasintahan. Inamin ng babae na nabuntis siya ng ibang lalaki habang malayo sila sa isa’t isa.

Pinakiusapan ng babae si Kien na wag ng ipaalam o kausapin ang lalaking nakabuntis sa kanya upang d na magdulot ng gulo o tensyon sa kanila.

Dahil sa kanilang usapan, grabe sakit at kalungkutan ang nadaman ni Kien dahil sa inamin ng kanyang dating kasintahan kaya nagawa niyang ishare sa kanyang social media ang kanilang usapan.

“Just wow. Yung ganitong uri ng babae. Na habang ako’y nasa barko at umaasa naman pala sa wala. Habang pala nagtrabaho ako, siya naman nag patrabaho sa iba. Just wow. Petmalu ka girl. i-tag sana kita kaso naka block na pala ako. hahaha Pero ok lang masaya kana eh sa mga panloloko mo sa akin. Kung nakipag-usap ka lang sana sa akin ng formal hindi na hahantong sa ganito kaso wala eh. Nakakab4stos ka. Di mo alam ang nararamdaman ko habang di ka makausap, pero salamat. Sana wag pamarisan ang tulad mong babae. Wag kang mag alala. Wala ako time mag-chat sa bf mo, sayang ang oras ko. Anyway goodluck sa buhay mo. Pinatunayan mo lang SEAMAN na talaga niloloko ngayon.”

Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pakikiramay at pagdamay sa sakit at kalingkutan ni Kien sa kanyang dating nobya.

Ayon kay Darell Refe, dapat ay magmove-on na si Kien dahil mas mabuti na yung maagang nangyari ito dahil mas mahirap kung mag-asawa na sila at ginagastos pa sa ibang lalaki ang kanyang pinaghirapang pera.

Ayon din kay Anivid Abing, hindi pa naman daw katapusan ng mundo at makakahanap din siya ng isang tunay at tapat na babae na hindi siya kayang lokohin kahit malayo siya.

Inulan naman ng batikos at masasakit na salita ang kanyang dating nobya dahil sa kanyang nagawa kay Kien.

Sa kabila ng nagawa ng kanyang dating kasintahan s kanya, pinagtanggol pa din ni Kien ang kanyang dating nobya mula sa mga netizens na bumatikos sa kanya.

Ayon sa kanya, matagal ng nangyari ito at nakamove on na silang dalawa sa nangyari at may kanya kanya na silang buhay kaya kung maaari ay huwag na nila batikusin o sabihan ng masasakit ang dati niyang nobya.

“Good day po mga Ma’am and sir. Kung pwde lang po wag na natin masyado pag sabihan ang babae ng masasakit na salita. Matagal na po yan hayaan nalang natin kung saan siya masaya. Parehas na kami may kanya-kanyang buhay at naka move on narin kami at naka-pagusap na. Tao lang din po yun nagkasala. tsaka hindi na masama ang Loob ko sa kanya. Diyos nalang bahala sa mga taong ganun. Thank you. and godbless” ayon sa post ni Kien

Ano masasabi niyo sa masakit na nangyari kay Kien? Seaman na ba talaga ang niloloko ngayon?

The post Girlfriend ng Seaman nabuntis ng ibang lalaki habang nasa barko. Seaman nadismaya ng husto. appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH