Isang palaboy na aso noon, sumasideline ng Gwardya ngayon sa isang ospital sa Iligan City

Nakakatuwang isipin na ang isang pagala galang aso noong sa Iligan Medical Center Hospital, Iligan City ay opisyal na nilang itinalaga bilang isa sa kanilang kasapi o isang ganap na bantay ng mga healthcare workers.

Ayon sa isang health maintenance organization clerk na si Anña Fe Mae Amal, si Medikal ay nakaantabay sa mga security guard tuwing gabi upang masigurong gising ang mga ito lalo na kung may mga papasok sa loob ng ospital.
“Every night po s’ya nagbabantay katabi sa guard,” kwento ni Amal sa ABS-CBN News.

Napagdisisyunan ng board of directors ng ospital na ampunin at italaga na bilang isang gusrd dog ng ospital nito lamang Hulyo 13 at kasalukuyang binigyan ng bakuna upang matiyak na nasa magandang kalusugan ito.

“May, the [board of directors] agreed po na amponin si Medikal pero kailangan complete vaccines n’ya lalo na anti-rabies. July 13 po 1st dose sa vaccines n’ya,” aniya.

Si Medikal ay naging malapit sa mga tao at maging mga nagtatrabaho dito noon pang Oktubre 2019.

“1st time ko po s’yang nakita mga last year, I can’t remember anong buwan but puppy pa s’ya. Pero naging close s’ya sa amin mga October 2019.”

Talaga naman daw na maaasahan si Medikal pagdating sa seguridad ng ospital, ayon kay Amal.

“Night shift s’ya. Ginigising n’ya nga ang guard ‘pag tulog and may tao,” aniya.

“‘Pag sa umaga naman palagi s’yang tulog. Hindi madaling gisingin.”

The post Isang palaboy na aso noon, sumasideline ng Gwardya ngayon sa isang ospital sa Iligan City appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH

Post a Comment

0 Comments