Mga nakawalang Ostrich gumala gala sa isang subdivision sa Quezon City.

 

Kahapon kulat sa social media ang mga larawan at video ng 2 ostrich na kung saan makikitang tumatakbo takbo sa isang subdivision sa Quezon City.

 

 

Ayon kay Dino Rivera, isang youscooper, may bibilin lamang sya sa labas ng may nakita siyang Ostrich na kala mo’y isa lamang manok na tumatakbo takbo sa kanilang Subdivision.

 

 

Sa isang kuha namang video, muntikan ng makalabas ng subdivision ang isang Ostrich buti nalamang ay napigilan ito ng security guard.

 

“Wala kang ID, hindi ka pwede lumabas…wala kang gate pass,” biro ng isang residente sa lugar.

 

 

Sa pinagsama samang tulong ng security guard, ilang residente na doon nakatira at mga construction worker ay nahuli at napigilan nila ang isa sa 2 Ostrich na nakawala.

 

 

Ayon din kay Youscooper na si Gorgeous Umipig,isa lamang ito sa 2 ostrich na nkita niyang pagala gala. At ang isa naman ay tumakbo papalayo.

 

 

Ayon sa ulat, ang 2 ostrich ay pagmamay ari ng isang residente sa subdivision at ito ay nakawala lamang.

 

Nag trend naman ngayon sa Twitter ang “Jumanji” nang kumalat ang video na ito ng 2 ostrich na nakawala.

 

The post Look: Ostrich spotted in a street in Quezon City appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH