Bayanihan? O pagmamahal ng magkakalugar ang umiral sa lugar sa Caint,Rizal na kung saan ay bumuhos ang biyaya para sa pamilya ni Sky Gatdula habang naka isolate sila ng isang buong buwan.
Matapos magpositibo sa C0vid 19 ang father in law ni Gatdula, 32 years old at ang kanyang buong pamilya at kamag anaknsa 14days isolation period.
Sa ngayon ay nasa ika 10 araw na sila sa 14 day isolation period nila ng kanyang mga kaanak at pamilya.
“August 3 po kami nag-start hindi lumabas. … Na ‘wag lang po lalabas sana para hindi din po mag-create ng takot within the village. … Mag-mask po if ever may kukuhanin sa labas … ‘Yun lang naman po ang sinabi sa’min nung sa guard. Kami po dito sa loob ng bahay, lahat po dini-disinfect po namin,” ang sabi ni Gatdula sa panayam sa kaniya ng ABS-CBN News ngayong Huwebes.
Ayon pa sa kanya, nakatatanggap sila ng pagkain tulad ng lumpia, barbeque, itlog, pancit, at maja, at may nagpaskil pa ng “praying for the whole family” sa bahay nila sa kabila ng kanilang sitwasyon.
“Pagkain po, nagbibigay sila ng mga niluto nilang food, even ‘yung mga paninda nila. May nagbigay po ng isang tray na egg … ‘Yung isa po, nag-o-offer po na bilhan kami ng mga needs namin,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Gatdula, malaking bagay ang nasabi agad ng kanyang sister in law sa publiko ang naging sitwasyon ng kanyang pamilya para maagapan ang posibleng pagkalat ng virus.
“Siguro, nakatulong din ‘yung pag-announce in public ng sister-in-law ko. Nabigyan ng notice yung buong community and ‘yung ibang nakasalamuha nila sa work. This is because, concerned din ang buong family na hindi na mag-spread pa ang virus,” ani Gatdula.
“Kaya for us, naniniwala kami na maganda ma-inform ang mga tao. Wala namang natakot, but instead mas madaming tao ang nag-reach out.”
“Even before pa po ma-affect yung family namin ng [C0VID-19], very warm na po sila sa amin eh. So much more po nung na-affect po kami… Masayang masaya po ang buong pamilya. Nata-touch po kami at nakakataba po ng puso,” dagdag pa ni Gatdula.
Ayon naman sa update tungkol sa father in law ni Gatdula, bumubuti na daw ang pakiramdam ng 58 years old na father in law niya na kasalukuyang naka-home isolation sa kabilang bahay at may sariling kuwarto.
“Getting better naman po siya. Malaki na po in-improve. Home isolation po siya and may support lang po ng oxygen,” ayon kay Gatdula.
Nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang Rizal, kasabay ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, at Laguna hanggang Agosto 18.
Sa huling tala, nasa 143,749 na ang kabuuang bilang ng C0VID-19 cases sa bansa, kung saan 2,404 ang nasawi at 68,997 ang gumaling na.
The post “Ayuda mula sa kapitbahay”. Mga kapitbahay na hindi pinabayaan ang pamilyang nasa Isolation sa Rizal. appeared first on Most Trending PH.
Source: Mostrending PH
0 Comments