Taong 90’s maraming mga sikat na artista na tila hindi na lang natin bigla nakita sa tv o pelikula. Kahit na sikat na sikat sila bigla na lang mawawala ng walang dahilan o pasabi sa kanilang mga fans at publiko.

Isa na dito ang silat na aktres na si G Toengi na sa kabila ng kanyang kasikatan ay bigla na lang naglaho sa showbiz. Kung ikaw ay batang 90’s ay tiyak na kilala mo siya. Bakit kaya? Yan ang tanong ng karamihan at kanyang mga fans.

Siya G Toengi ay namayagpag ang kanyang showbiz career noong taong 90’s at isa din sya sa masasabing isa sa may pinaka magandang mukha sa showbiz.

Maraming proyekto at madalas makita sa tv shows si G Toengi dahil na din siguro sa kanyang talento sa pagarte. Ilan sa mga pelikula niya ay Aryana, Istokwa at Luksong Tinik.

Kaya marami ang nagtaka ng bigla na lang nawala si G Toengi sa showbiz sa kabila ng kanyang maganda takbo ng career niya.

At makalipas ang mahabang 20 taon, nalaman ng netizens at kanyang mga fans kung bakit bigla na lamang siyang nawala ng parang bula. Ang kanyang naging dahilan kung bakit bigla niyang iniwan ang kanyang magandang career kahit namamayagpag ito.

Ayon sa isang interview through videocall ng GMA Network talkshow, nainteview ng host na si Vanessa del Moral ang dating aktres na si G Toengi. At dito niya binahayagi ang kanyang dahilan kung bakit niya nilisan ang kanyang magandang showbiz career.

Isa sa naging tampokvna katanungan ng host sa dating aktres ay kung anong dahilan niya sa kanyang pag alis sa showbiz.

“90’s it girl, dire-diretcho, tuloy-tuloy ang project. Sobrang sikat na sikat. Why leave and stop showbiz? Tanong ng host.

“That’s a hard question Vanessa because i didn’t understand it 20 years ago when i left. But now when im older i understand that there were things that just didn’t feel right.” Ang sagot ni G Toengi sa tanong ng host.

“Ang ibig sabihin lang nun, maski sikat na sikat ka, may trabaho ka, pag alam mong hindi yon yung mga bagay na nafu-fullfill sayo… It wasn’t material, it wasn’t superficial. It was i didn’t understand the disparity in the Philippines on why ang daming naghihirap tapos ang daming umaalis ng bansa.” Dagdag pa ng aktres at nilinaw dim ng aktres na naging mahirap para sa kanya ang kanyang naging desisyon at kung minsan ay pinagsisihan niya ang mga bagay na kanyang iginive up.

Nalaman din natin na matapos ngang iwan ni G Toengi ang kanyang karir ay natupad naman niya ang isa sa kanyang pangarap.

Nagtungi si G Toengi sa bansang Amerika, at doon niya tinuloy ang kanyang pagaaral, kung saan ay nagtapos siya ng Master Degree sa Non Profit Organization.

Sa naging interview kay G Toengi , at sa kanyang pagbahagi ng naging desisyon niya kung bakit niya nilisan ang showbiz, nalaman natin na mas importane para sa kanya ang makamit ang mga bagay na kanya talagang pinapangarap at mga bagay na gustong marating niya sa kanyang buhay, kesa sa mga bagay na hindi nkakafullfil ng kanyang kagustuhan sa buhay.

Ano masasabi ninyo sa kanyang prinsipyo sa buhay? Tama ba ang kanyang ginawa para sa kanyang pangarap? Nais naming marinig ang inyong opinyon at kumento.

The post Totoong dahilan ng Dating sikat na Aktress na si G Toengi kung bakit niya nilisan ang Showbiz  appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH