Ang Kapamilya Aktor na si Dominic Ochoa ay nagisip ng karagdagang kita sa gitna ng Covid19 pandemic upang makatulong sa kanyang mga bayarin.

 

 

Ang magasawang Dominic Ochoa at ang kanyang Misis na isang Make-up artist na si Denise Go ay gumawa ng paraan upang magkaroon ng extrang pagkakakitaan ngayong pandemiya. Sa kabila ng kasikatan ay hindi nagdalawang isip na magbenta ng mga prutas at iba pang pagkaen si Dominic.

 

 

Sa isang Youtube Video na ibinahagi ng Star Magic ang pagkukwento ni Dominic Ochoa sa kanyang House Tour ang pagpaplano nilang magasawa na magbenta ng mga prutas dahil takot ang mga tao na lumabas ng kanilang bahay dahil sa banta ng CoVid 19.

 

 

“Sometime, end of March, habang nagkakape kami, we decided, “Bakit hindi tato magbenta ng prutas?” Kwento ni Dominic.

 

 

“Dahil bawal lumabas, hindi na nagogrocery ang mga tao. We opted to sell fruits. In fact, till now nagbebenta pa din kami.!” Dagdag pa ni Dom.

 

 

Noong Marso kung saan ay nagsimula ang lockdown sa Pinas at sinimulang ng magasawa ang kanilang pagtitinda ng prutas at iba pang pagkaen at hanggang ngayon ay patuloy pa din sila sa pagdedeliver ng mga ito sa kanilang lugar.

 

 

Upang masigurado ni Dominic na maayos at ligtas na makakarating ang mga order ng kanilang mga customers ay siya mismo ang nagdedeliver ng mga ito… At kung mejo malayo naman ang lokasyon ay pinapadaan na lamang nila ito sa mga delivery services.

 

 

Ayon kay Dominic sa panahon ngayon dapat maging productive tayo.

“Meron kayong ginagawa, you choose to be productiv, in short. Hindi yung puro na lamang tayo angal, kasi hindi naman tayl tutulungan ng diyos kung hindi naman nating tutulungan ang ating mga sarili.” Dagdag pa niya.

 

 

Japanese sweet potatoes, mushroom, lemon, pomelo, strawberries, blueberries, apples, fresh figs, cherry plums at marami pang iba ang kanilang ibinebenta.

Bukod sa mga ito nagbebenta din sila ng mga Jar products gaya ng dips-in-a-jar at tinapa-in-a-jar.

 

The post Dominic Ochoa stays productive during these trying times appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH