Ethyl Gabison o mas kilala sa tawag na Ethel Booba , isang komedyante, aktress, singer at author. Siya ay tinaguriang “Twitter Goddess” ng mga pilipino netizens.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Ethel Booba ang kanyang pagbubuntis at ngayon ay kasama na nila si Baby Michaela. Ayon ito sa kanyang pagbabahagi sa kanyang social media at itinuturing isa sa pinaka malaking biyaya sa kanya ni Lord. And pagiging isang ina.

“Kasi dati may mga nangiintriga sa akin na actually mga kamaganak ko sinasabi na baog daw ako ganyan. Pero hindi ko lang sinasabi sa kanila na meron din akong problema, ayoko din silang mamroblema,ayoko din sila mag worry.” Ayon sa panayam sa kanya ng “I Feel You” ng ABS CBN.

Naging masaya naman daw si Ethel noon sa kanyang mga pamangkin na kanyang inalagaan. Kadalasan pa nga daw sa kanya ito mga nagsipaglakihan at di kalaunan kapag lumaki na ay iniiwanan siya kaya napagod na din siya.

“Before… Pero nung nagkasunod sunod na ang mgapamangkin ko, ako na yung naging nanay nila. So, napagod din ako sa pagaalaga,sa akin pinapaampon tapos kapag malaki na aalis na. Ganun ang naging relationship ko sa mga pamangkin ko.” Sabi ni Ethel.

Kaya nung nabigyan na siya ng pagkakataon na maging isabg tunay na ina, kay Michaela ay nangako siyang magiging isang mabuting ina at aalagaang mabuti at maayos si Michaela.

“Actually si Michaela, (nagpabago) talagang dumating na talaga siya sa akin. Ewan ko. . kasi iniisip ko talaga lately na parang grabe’ pagtatrabaho ko, trabaho ako ng trabaho para akong tanga na wala naman akong pagmamanahan. Kaya nung dumating siya at ibinigay talaga ni Lord.” Ayon sa panayam kay Ethel Booba.

The post ‘Kaya nung dumating siya at ibinigay talaga ni Lord’ Ethel Booba is Very Happy Now as a First Time Mom appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH