Ang kapamilya stars na sina KC Concepcion, Karen Davila at Jane de Leon mapapanood na sa Tv5?

Si Karen Davila ay kilalang journalist , news anchor, reporter ng kapamilya network. Naging viral o trending din siya dahil sa oagbabatikos sa ilang mga politiko at mga kilalang personalidad gaya ni Manny Pacquiao. Matatandaan na naging viral si Karen dahil sa kanyang interview kay Sen. Manny Pacquiao na kung saan ay maraming netizen ang nagalit dahil sa parang panghuhusga sa pagkatao o kakayahan ni Manny noong tatakbo siya bilang isang senador.

Si KC Conception naman ay may ilang mga proyekto o show sa kapamilya network. Naging ex boyfriend din niya si Piolo Pascual na kung saan matatandaan na magmula ng maghiwalay ang dalawa ay naging mailap si KC sa mga tv shows, movie at iba pa.

Si Jane de Leon naman ay isang aktress, singer at dancer . mapapanood si Jane sa noontime show na It’s Show Time. Miyembro sya ng sikat na girlgroup na GirlTrends.

Sila ay guest lamang ni Ms. Luchi Cruz-Valedez sa kanyang programang Usapang Real Life (URL).

Si Ms. Karen Davila ay nag taping lamang sa bahay ni Ms. Luchi habang naka Zoom naman sina KC at Jane.

Sa katunayan, si Karen Davila ay napapanood pa din sa cable channel ng ABS CBN.

Habang si KC Conception naman ay tila isang freelance at matagal ng walang mga project sa kapamilya network.

At si Jane naman ay gaganap sana na bagong darna sa kapamilya network subalit wala pang balita tungkol dito.

Tila magiging isang malaking network ang Tv5 ngayon dahil sa maraming kapamilya network ang nandito sa dahil sa issue of franchise renewal ng Kapamilya network.

Kaya ang Star Magic na talent arm ng ABS CBN ay suspended ang mga contract.

Ang ABS CBN pa rin ang naghahandle ng star magic.

The post Karen Davila, KC Concepcion at Jane de Leon, Lilipat na nga ba sa channel 5? appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH