Kwento ng Batang Nakikinood Lang Dati sa Kapitbahay na Pinagsarahan pa, Ginulat ang Lahat Matapos ang 18 Taon

“Uy bodji, kanina pakita hinihintay. Malapot ng magsimula ang paborito nating palabas!. Ang sabi ni Eboy na kaibigan niyang kasama manood.

“Akala ko nahuli na ako eh!” Hinihingal na pagsagot ni Bodjie dahil da kanhsng oaaripas ng takbo papunta sa kanilang kapit bahay na may 2 kanto ang layo.

Ilang sandali naman ay nagsimula na ang kanilang kinaaabangan na palabas. Tuwang tuwa naman ang 2 magkaibigan habang pinapanood ang paboritong palabas. At dahil sa napalamas ang tawa nina Bodjie at Eboy ay pinagsarham sila ng bintana ni Aling Gloria .

“Mga bwisit na bata! Walang ginawa kundi makinood dito!”. Gigil na pagsambit ni Aling Gloria.

“Nkakainis namam tong si aling Gloria! Pinagsarhan nanaman tayo ng bintana. Palagi na lang niyang ginagawa yan. Hindi tuloy natin natapos yung palabas.” Ang naiinis na pagsabi ni Eboy.

“Hayaan mo na,  siguro mainit na naman ang ulo ni Aling Gloria kaya nainis na naman siya sa atin. Mag abang na lang ulit tayo bukas.”

Dati naman daw ay hindi ganoon ang ugali ng babae. Nagbago lamang daw ito simula ng makapagtrabaho ang panganay na anak sa maynila at nang makabili ng colored tv. Black and white lang naman daw ang dating tv nila.

Kinabukasan naman ay excited ang dalawang bata na mapanood ang kanilang paboritong palabas. At inisip nilang baka mapagbigyan sila ngayong manood ni aling Gloria na makapanood sa kanilang tv.

Mabilis niyang tinapos ang lahat ng kanyang takdang aralin at nagpaalam sa kanyang ina upang makinood ng tv kila aling Gloria. Sila lang daw kasi ang may tv sa kanilang lugar. Isang mahirap na lugar lang kasi sila nakatira at tanging sila aling Gloria lamang ang pamilyang nkakaangat sa kanilang lugar.

Nagkitang muli sina Bodjie at Eboy sa harap ng bahay nila aling Gloria.

“Ano Eboy? Umpisa na ba?” Tanong niya agad ng makita ang kanyang kaibigan.

“Tamang tama lang ang dating mo. Maguumpisa pa lang.” Sagot naman ni Eboy.

Nang makita nila ni Aling Gloriang nanonood ay padabog bitong isinara ang bintana na siya namang ikinalungkot ng dalawa.

“Ano ba yan! Pinagsarhan nanaman tayo ng binta!”. Sabi ni Eboy.

Balang araw hindi na nating kailangan makinood ng tv.” Sabi ni Bodgie.

Matapos ang mahabang labing walong taon ay nagkaroon ng sunog sa lugar at ang bahay ni aling gloria ang natupok ng apoy. Walang niisang gamit ang naisalba ni aling Gloria. Labos na nanglumo si Aling Gloria, ang kanyang asawa at anal na nasa maynila nang nalaman ang nangyarimg sunog. Nang nalaman ng ina ni Bodjie na si aling Elenita ang nangyari ay agad naman itong tinulungan ang dating kapit bahay sa pamamagitan ng pagalok nitonv tumuloy na muna pansamantala sa kanilang bahay.

Laking gulat naman ni Aling Gloria ng makita ang bahay ng dati niyang kapitbahay.

“Ang laki at ang ganda ng bahay niyo Elenita”. Pamanghang pagsambit ni Aling Gloria.

“Ang bahay na ito ay ipinundar ng aking anak na si Bodjie, kilala mo siya diba? Siya ang anak ko na palaging nakikinood sa inyo ng tv noon. Maganda ang kanyang trabaho ngayon sa Maynila. Manager na siya ngayon sa isang malaking bangko at may mgs negosyo na rin siyang naitayo doon. Kasama niya sa trabaho ang kanyang bestfriend na si Eboy na assistant manager kung saan ngtatrabaho ang akin anak. Halika! Manood tayo ng tv”. Pagaya no Elenita kat aling Gloria.

Napamangha si aling Gloria ng makita kung gaano kalaki ang tv sa loob ng magandang bahay nila aling Elenita. Para bang nanonood siya sa sinehan.

“Ano? Ang laki diba? Binili talaga ni Bodjie yan para may napapanoodan ako dito. Ganyan din kalaki ang tv niya sa kanyang condo sa Maynila. Sabi ni aling Elenita.

Biglang nanliit si Aling Gloria. Ang mga batang dating nakikinood lamang sa kanilana pinagsasaraduhan niya ng bintana para hindi makapanood ng tv ay mga asensado na ngayon sa buhay. Tinulungan pa siya ng ina ni Bodjie sa panahong walang wala siya. Labis naman niyang pinagsisihan ang kanyang ginawa noon sa dalawang bata.

Huwag tayong maging mapagmataas, maramot sa kapwa kapag tayo ay nakakaangat. Tandaan natin na ang mundo ay bilog. Minsan nasa itaas tyo. May oras ding nasa baba kaya habang tayo ay nasa itaas maging mapagkumbaba at mapagbigay. Shre your blessings ika nga. Dahil di natin alam na baka ung mga taon pinagdamutan o pinagkaitan natin. Balang araw sila din ang tutulong sa atin sa oras ng kagipitan.

The post Kwento ng Batang Nakikinood Lang Dati sa Kapitbahay na Pinagsarahan pa, Ginulat ang Lahat Matapos ang 18 Taon appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH

Post a Comment

0 Comments