Sa panahon ng  pandemic maraming mga tao ang hindi nakakalabas o takot lumabas dala ng takot nila sa virus. Kaya naman ang karmihan ay nakatutok na lamang sa social media at naglilibang. Kaya naging uso o nagtetrending ang mga house tour ng mga sikat na artista o mga kilalang persolidad.

Ngunit itong house tour ni Maja Salvador ay masasabi nating may sariling health protocols na sinusunod. Sa pinto palamang ay akala mo may nasa mall o nasa lugar ka kung saan ay may mga health workers dahil may table sa gilid at may mga thermometer gun, alcohol, face mask, tissues at iba pa. May mga white slippers din sa gilid na pamalit sa ginamit na sapatos mula sa labas kahit na dumaan kayo sa disinfectant.

Ayon kay sa aktress na si Maja, “Yan ang ginagamit natin ngayon para maging safe tayo.”

Ang kaibigan ni Maja na si Miah Gomez ang interior designer ng kanyang magandang bahay na ang theme ay tinatawag na Modern Tropical.


Kwento ni Maja, ang kanyang bahay ay nakailang beses na irenovate peri sa bawat pageenovate nito ay masasabing memorable. Unang pinakita ni Maja sa kanyang House tour ang terrace ng kanyang bahay na nakalagay ang grill na nirequest ng kapatid niyang lalaki na regalo dahil mahilig itong mg grill with his friends. Nabanggit din ng aktres na ang kapatid niya ang nakatira sa bahay nila na tinawag niyang Casa Andres dahil bilang endorser ng Robinsons ay binigyan siya ng sarili niyang unit kaya doon siya nakatira ngayon.


“Pero simula nu’ng nag-lockdown, dito na ako tumira kasama ang kapatid ko kasi nag-iisa lang siya rito sa bahay,” dagdag pa ni Maja.

Ang living room naman ang pinaka paboritong lugar ni Maja sa kanyang bahay dahil ito ay high ceiling at ang furnitures na gamit ay more on woods.

Ito naman (sa divider), nandito ang mga highlight ng buhay ko (trophies), career ko. Ito naman ang graduation picture ng kapatid ko, isa sa achievement ko (pinag-aral niya) at itong picture naming pamilya (nanay at kapatid) kasi sabi ko gusto kong mag-travel noon kasama sila at sa LA (Los Angeles, USA).


“Hindi ako mahilig sa plants pero suggestion ng designer ko mas maganda ang loob ng house na may puno or plants (sabay pakita ng dalawang malalaking Tierra at Eukaryotic plants) kasi mas nakakabuhay ang bahay kapag may living things.
“Bagay na bagay ang may maliit na puno since high ceiling ang bahay kaya bagay siya,” ayon sa Aktres.

At nagpunta naman si Maja sa dining alat kitchen area ng bahay, Dati plain lang dito sabi ko nga ilang beses na kaming nagpa-renovate at nu’ng pumunta na si mama sa Canada, nasunod na ang gusto kong design.


“Dati kasi umikot lang ang kulay ng bahay sa red, white and black, e, ngayon modern tropical na kaya more on woods. Dito (modern kitchen table) ako madalas kumain kapag nagmamadali at siyempre ang aking coffee maker, I can’t live without my coffee.”

Di rin niya pinalampas ang pagpapakita niya ng kanyang collection ng wine glass, plates at ang kanyang modern oven kung saan siya nagluluto.
“Ito ang aming kitchen na therapeutic sa akin kasi mahilig akong magluto,” masayang pagbabahagi ni Maja.

Dagdag pa niya, “Bukod pala sa living at dining kung saan kami madalas magkuwentuhan, ito ang room din na hindi pa ganito ang final look.”
Ang tinutukoy niyang kwarto ay may mga sofa din at may mini-wine table with glasses pa. “Sabi nga ng aking boyfriend kung doon kami nagkukuwentuhan (salas), dito kami nagdi-dinner (dining room), dito kami nagla-lounge.”


Pinakita din ni Maja ang kanyang work out area na kasama ang mga halaman na nakatapat sa walang bubungan (para may hangin) na ayon kay Maja, “para hindi mabasa ang mga gamit, binababa ko ang blinds.


“At siyempre dream kong magkaroon ng sauna sa aking house, birthday ng boyfriend ko pero ako ang niregaluhan niya ng sauna, kasya ang three pax after workout mag sauna ka na, e, di relax ka na.”
Hindi na pinakita ni Maja sa kanyang House Tour ang 2nd floor ng kanyang bahay na kung saan nandoon ang kanyang silid tulugan.

” Kaya mga beshies, ito ang aming bahay, ang Casa Andres,” masayang pagbabahagi ng aktres na si Maja

The post Netizens Napamangha sa Regalu ng BF ni Maja Salvador at House Tour Nito sa Kanilang Bahay appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH