Ang cobra ay isa sa pinaka mapanganib at pinka venomous na hayop sa buong mundo. Kaya naman ang ito ay kinatatakutan o iniiwasan dahil kapag ikw ay natuklaw ay wala kang antidote ay tiyak na ikaw ay may kalalagyan.

Gaya na lamang sa nangyari sa isang lalaki na taga Uttar Pradesh, India na kung saan ay may nakapasok na cobra sa kanyang suot na pantalon, mahigit 7 oras lamang siyang nakatayo at hindi gumalaw sa kanyang kinatatayuan.

Ayon sa Time Now, ang nangyaring ito sa lalaki ay lubhang nakakatakot ngunit nkakatawa din daw. Ito ay nangyari noong Hulyo 29 sa village ng Sikandarpur nung may isang grupo daw electrician ang nagpunta doon upang may ayusin electric poles and wires.

Matapos silang kumaen ng gabihan ay napahpasiyahan ng grupo na matulog na dahil na siguro sa pagod mula sa kanilang trabaho at kabilang dito si Lovekesh Kumar.

Sa gitna ng kanyang tulog noong kalaliman na ng gabi ay bigla na lang daw siyang nagising dahil sa may kakaibang naramdamang pumasok sa kanyang suot na pantalon.

Nagising siya ng napagalamang isang ahas ang nakapasok sa kanyang pantalon at maingat na tumayo upang kumpirmahin kung ahas nga at para na din sa kanyang kaligtasan.

Humingi naman ng tulong ang kanyang kasamahan at tumawag ng rescue team at laking pasalamat na lamang ni Kumar sa poste na kanyang ginamit upang makayanan ang pagtayo ng 7 oras habang inaantay ang rescue team.

Makikita naman sa isang video na inupload sa twitter ni Koushik Dutta,  ang may isang lalaki na maingat na ginugupit ang pantaling suot ni Kumar hanggang sa mailabas ang ahas mula sa pantalon niya.

At sa huli ay napagalaman nilang isang makamandag na cobra ang nakapasok sa kanyang pantalon ng ito ay nailabas na sa kanyang pantalon.

Hindi naman ito nakita o nakuha sa video, ngunit sa ganun pa man mapalad si Kumar at naligtas ang kanyang buhay dahil sa maingat at matiyaga niyang pagtayo sa loob ng 7 oras.
Ligtas at walang sugat o pinsala si Kumar matapos ang pangyayari.

Mabilis naman kumalat at nagviral ang nasabing video.

Narito at panoorin ang video:

The post Panoorin: Lalaki Hindi Makagalaw ng Pitong Oras dahil May Pumasok na Cobra sa Panloob Niya appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH