Si Mimiyuuuh ay isang kinaaaliwan na youtube vlogger ngayon. Siya ay may 2.85m subscribers at 84 videos na nakaupload sa kanyang youtube channel.

At kamakailan lang ay may isang vlog video siyang inupload sa kanyang channel na kung saan kinaaliwan ng karamihang netizens kung saan ay kinuha siya ni Popster Princess Sarah Geronimo bilang isang dance instructor.

At hindi naman nawala ang tatak ni mimiyuuuh na kung saan ay makikitang pabirong kinakantyawan nito ang performance ni Sarah Geronimo sa kanyang hit song na ” Sa Iyo”.

“Nakita ko talaga na she really needs help,” biro ni Mimiyuuuh sa Popstar. “May talent naman yung bata pero parang may maipupush pa po and I believe that’s what God made me for talaga po.”

At hindi pa diyan natapos ang masayang usapang ng dalawa, at ng tinuruan na nga ni mimiyuuh si Popstar Sarah Geronimo ng dance step ay binago bago pa niya ito. Mukha namang nasayahan at game si Sarah Geronimo dito.

” Di ba nakita niyo naman sa video [talagang] gumaling si Miss Sarah, naging mas confident talaga siya,” pang aasara pa ni Mimiyuuuh.

Ayon naman kay Youtube Vlogger na si mimiyuuuh, masayang masaya at once in a lifetime chance ang mabigyan siya ng chance na macollab niya ang Popstrar Princess na si Sarah Geronimo.

Ano masasabi ninyo sa masayang ganap na ito nila Youtube vlogger na si Mimiyuuhh at Popstar Princess Sarah Geronimo?

Nais naming marinig ang inyong komento tungkol dito.

Narito ang video at panoorin ninyo:

The post Panoorin: Sikat na Youtuber na si Mimiyuuuh, ‘nilait-lait’ si Sarah G. appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH