Nitong mga nakaraang araw, balik trending nanaman sa social media itong kwelang si Sandara Park sa kanyang guesting sa isang show sa Korea na VideoStar.

Sa kadahilanang si Sandara ay nagsalita ng Tagalog sa gitna ng show sa huling episode ng VideoStar na umure sa MBC EvrtOne channel sa South Korea.

Ang VideoStar ay isang show na kung saan lingguhan ang pag ere nito sa SouthKorea at sina Sandara Park, Kim Sook, Park Na-Rae at Park So-Hyun ang mga host ng show.

Sa ika 207th episode ng show na ito , ang kanilang guest ay ang palagiang gumaganap na mother-in-law sa mga K-drama at movies.

Ang kanilang guest ay si Kim Cheong (I Have a Lover, 2014), Yoo Hye-Ri (Love Rain, 2012), Choi Soo-rin (The Great Show, 2019), at Kwak Jeong-Hee.

Si Dara, o mas kilala dito sa pinas na si Sandara Park ay nagkaroon ng isang acting challege kay Soo-rin.

Gumanap siya bilang isang mother-in-law na hindi gusto ng kanyang daughter-in-law.

Dala ng pagkalito ni Sandara ay napasabi ito ng
“Ano po sinasabi nyo?”

” Hindi ko po kayo maintindihan, galing po ako sa Pilipinas kaya hindi ko alam. Hindi ko alam ang sinasabi niyo.”

Ang lahat ng tao na nasa studio ng nasabi ni Sandara ang “I want a divorce,”  sa salitang Korean.

Pumukaw naman ng atensyon at natuwa ang mga netizen sa nasabi ni Sandara.

The post Sandara Park Nagtagalog sa isang Korean Show, Viral Ang mga Sinabi Niya Ngayon appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH