No rice No Power! , ito ang kasabihan nating mga pinoy kaya naman simula almusal hanggang gabihan ay nandidiyan ang rice sa ating hapag kainin. At kahit anong handaan o piyestahan ay tiyak na nandiyan ang rice o kanin. Talagang masasabi nating mga Pinoy na hindi kumpleto ang kainan kapag wala ito.
Noong mga nakaraang araw. May isang host ng BBC ang umani ng samu’t saring kumento kaya ito nagviral. Tila hindi nito alam kung papaano magsaing ng bigas.
Ang kanyang ginawang pamamaraan ay isinaing o niluto niya agad ito ng hindi man lang hinugusan. At nung ito ay kumulo na doon palang niya ito hinugasan. Ang host na ito ay walang iba kung hindi si Hersha Patel na ngayon ay viral sa social media.
Ang video na ito ay ang kanyang tutorial kung paano gumawa ng egg fried rice. Ang sabi ng host na si Hersha ay hinugasan naman daw niya ang bigas ngunit matapos itong kumulo para daw ay mawala ang harina.
Kaya naman maraming netizens ang nakapukaw ng atensyon sa kanyang pamamaraan ng pagsasaing na tila ba ay isang “Pasta” ang kanyang niluto.
At ayon sa ibang netizens ay dapat daw ay kumuha na lang sila ng isang “Chef” o “Asian cook” upang magluto ng isang asian food ng tama.
Ayon naman sa ibang artikulo, si Hersha daw ay mula sa bansang India kaya masasabing isa siyang Asiano. Hanggang ngayon ay pinagpipiyestahan pa din ito sa social media at ang kanyang kakaibang pamamaraan upang mag viral o sumikat.
Kumento naman ng ibang netizens ay tila matigas pa raw ang kanyang kanin na ginamit sa pagluto ng egg fried rice.
Nagulat din ba kayo sa kanyang kakaibang pamamaraan ng pagsasaing? Nais namin marinig ang inyong kumento.
Panoorin ang video:
When all you can think about is Chinese takeaway, watch this video and you'll be making your own egg-fried rice before you know it! https://ift.tt/2OLGclr
Posted by BBC Food on Wednesday, April 17, 2019
The post Isang host sa BBC Nagviral Dahil sa Ginawa Nito sa Sinaing na Bigas appeared first on Most Trending PH.
Source: Mostrending PH
0 Comments